Kamusta na kaya sila?

WALA akong masyadong kaibigan. Hindi ako pala-labas na tao (gimik). Ang mga kaibigan ko simula ng mag-trabaho ako at mangilan-ngilan na kaklase ko pa noong high school at college ay sa Friendster at Facebook ko lang nakikita. ‘Yung valedictorian namin at ‘yung isa na kasama sa top 10 ng graduating class sa high school naging kaibigan ko sa Facebook. Nagiimbita sila na lumabas sa unang pagkakataon makalipas ang may ilang taon na hindi namin pagkikita. Umiral na naman ang pagka-mahiyain ko. Ayun mabuti at naunawaan naman nila. Sila ‘yung mga taong akala mo namimili ng kakaibiganin pero mali pala ako. Mas mainam pa nga sila kumpara sa ibang nakatrabaho ko noon sa dyaryo. Parang sa showbiz, marami ring plastikada at tsimoso. Hindi naman lahat marami pa rin ang mabait at tapat. Naging kumare ko pa nga ang iba sa kanila.

Minsan sumasagi pa rin sa isip ko ang mga taong nakapanayam ko, mga taong nagbigay ng banner material sa akin. Hindi lang sila source of information para sa akin. Naging kaibigan ko rin ang iba sa kanila. At kahit papaano, ang storyang ginawa ko ay nagbukas naman ng ilang magandang opportunity para sa kanila. Masarap ang pakiramdam na sa maliit na contribution mo ay nakatulong ka sa kapwa mo. May panahon pa na kahit walang-wala ako ay ako pa mismo ang nagpapaluwal ng kaunting halaga, matuloy lang ang isang interview o kaya naman ay maiabot sa taong nangangailangan nito. Wala akong magawa kundi aluhin sila sa aba nilang kalagayan.

** Wala lang senti mood lang ako ngayon. Hindi ako masyadong makaikot (bloghop) at mabisita ang site ng mga kaibigan ko at ka-barrio sa Barrio Siete dahil bilang ina mas una muna ang papel ko bilang taga-asikaso ng asawa at mga anak at syempre taga-laba dahil Lunes ngayon. Ang post na ito in-update ko lang sa draft. Pramis may mga timely post ako ‘pag balik ko at hindi na ako busy. Salamat po sa mga dati at bagong kaibigan – may mga Single Ladies (Beyonce’s song in mind), marami rin ang mga mommies at ‘yung iba ama ng tahanan. Magandang araw!

15 thoughts on “Kamusta na kaya sila?

  1. Snow

    Naku sis pareho tayo i have few friends na rin simula ng magkapamilya but anyway, ok lang kasi yung mga natira naman talagang true friends. ^_^

    Reply
  2. Yami

    Sinabi mo pa. Kaya lang ‘yung mga natitira bihira ko rin makita, ang maganda kahit walang communication once na mag-kausap (sa phone), email or text para bang kahapon lang kayo huling nagusap. Ganun siguro kapag mga true friends, ano? Hopefully sa sa blogging ang mga nasimulan at dinidevelop pa lang na pakikipagkaibigan, sana lumago din. 🙂

    Reply
  3. onlinemommy

    Same here mommy. I only have few friends. Khit nung d p ako nag aasawa. I’m a loner by nature nyahahha… I am not friendly by nature :D… I seldom go out to win friends. I was suffering from inferiority complex then and my experience with friends when I was in elementary and high school were traumatic hehehe… I won my friends by circumstances. Pero now, I have a set friends in our church. I have someone to talk to pag masama ang loob hehhehe… And I thank God for them because I consider them a blessing. I also feel blessed to have some e-friends through blogging, just like you 🙂

    Reply
  4. Yami

    Aww, that’s sweet. It’s for the same reason kaya siguro we try blogging. We make friends even without going out to socialize. You cited being traumatized with friends. Medyo ganyan din ako even now. Just recently I decided not not to reach out sa dati kong friend (but not really closing my doors to her) just because hindi naman na siya interesado. But I don’t really bear a grudge. I just want to be quiet. That’s all.

    Thanks for considering me as one of your online friends. 🙂

    Reply
  5. Yami

    Bihirang okasyon lang naman Mami Pehpot. Kung wala talaga I just include them in my prayers.

    Re makulit na anak. Ay naku nakakatuyo ng dugo, hehe. Dati bata akong tingnan sa age ko, ngayon mukhang matanda pa ako sa tatay nila who is almost five years older than me. Wahh!

    Reply
  6. pehpot

    ay so true!! waaaah, my hubby is 6 years older than me but now, huhu mukha akong ate nya haha…

    hay naku kalukring talaga.. pero syempre pag nap time r pag tulog na sila, parang ang saya saya ng buhay pag may anak no hihi

    Make or Break

    Reply
  7. Yami

    Mabuti ka pa nga ate lang ako niloloko na nanay daw niya. Of course biro lang niya ‘yon. Kundi outside de kulambo siya. haha

    The most peaceful time as in rested ako kung may ganun mang time sa mga nanay na gaya natin ay kapag nasa skul sila pareho. Ngayon andito na sila kaya konting minutes na lang at lipad na naman ako as Super Nanay. haha

    Reply
  8. shykulasa

    sis I have a feeling its that time of the month kaya feeling senti ka 🙂

    ganun yata talaga pag me family na! got some friends who got married early, di na mayaya sa gimikan, but of course i understand her priorities, family comes first 🙂

    Reply
  9. Clarissa

    Wala akong masyadong kaibigan na Pinoy dito sa Japan,Mommy Yami–puro plastic kasi ang karamihan na pinay dito kaya ako na ang kusang lumalayo.Buti na lang at nag start akong mag-blogging at marami akong nakitang friends on-line.Ako rin senti minsan kasi wala akong kaibigan pinay dito(merong isa kaya lang palaging tulog sa araw kasi sa gabi ang trabaho nya) kaya puro japanese mums ang kasa-kasama ko dito.Buti pa sila,kahit na baliktad-baliktad ang nipponggo ko,pinipilit nilang intindihin at hindi plastic.
    Pasencya na po at naging senti na rin ang lola mo(T_T)na-miss ko lang bigla ang kabarkada ko sa probincya namin.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *