Litratong Pinoy: Hapunan (Dinner)


Huwebes na naman mga ka-LP. Ang tema ngayon Linggo ay hapunan. Kaya eto ang walang kamatayang hipon. Hindi espesyal ang luto ko sa hipon na ‘yan, halabos lang o pinakuluan ko sa konting asin, vetsin at paminta. Madalian kasi. Alam niyo kung bakit? Late na kasi akong nakagpagluto mabuti may inabutan pa akong hipon sa talipapa. Bakit nga? Kasi naubos ang oras ko kaka-babad sa computer. Aminin mga mommies diyan, hindi lang ako. hihi. May partner naman na gulay ang hipon nakalimutan ko lang kuhaan ng litrato kasi gutom na mga anak ko. hehe. Hayun nairaos din ang hapunan. Burp! Excuse me. Kung busog na kayo, aba dapat bisitahin niyo muna ang ibang nagluto ng hapunan dito bago kayo kumain ng panghimagas. Happy Huwebes sa lahat! πŸ™‚

22 thoughts on “Litratong Pinoy: Hapunan (Dinner)

  1. Yami

    @Well para mauna sa pilahan, hehe. Oo mahal nga ang hipon ngayon pero madaling iluto, hehe

    @Shie sis mahirap na masarap. rewarding din. kung di ako nakaabot sa hipon malaman de-lata ang ulam namin. πŸ™‚

    Reply
  2. Yami

    @Luna da best nga ang maanghang na suka para sawsawan ng hipon.

    @Willa pwede rin kaso sabi nila kapag sobra nakaka-highblood.

    @Julie kahit anong oras pwede itong hipon. pwede pa ngang meryenda kung isasangkap sa pansit. Tsalap!

    @Maui nakaka-adik kasi papakin.

    @J masarap kainin lalo yung malalaking klase.

    Reply
  3. pehpot

    uy ako din dapat ung hipon ang LP ko, kaso ung na lang.. hapunan naman un eh.. sold out nga lang.. hehe

    ayun dun sa kinain namin hipon ang natira.. ang dami kase.. e pinabalot ko na nung kinuhanan ko ng pic ung pinagkainan namin LOL

    Make or Break

    Reply
  4. Yami

    @Pehpot okay pa rin ang binalot na hipon. da best pa rin yan with sinangang kinabukasan.

    @Yeye, nilaga ko ‘yung apat na itlog kanina breakfast namin. hehe.

    Reply
  5. Yami

    @Iska lola at nanay ko rin halabos lang ang madalas gawin sa hipon lalo na ‘yung maliliit tapos pipisaan ng kalamansi. Nagkatalo na.

    Reply
  6. Nortehanon

    Paboritong-paborito ko ang hipon kahit na anong luto nito. Palibhasa, noong kabataan ko ay murang-mura ito at maraming-marami nito sa probinsya namin.

    Ang ginagawa ko minsan sa hipon ay ibinababad ko sa Sprite sa magdamag. Tapos parang ipipirito ko sa kaunting butter. Hindi yata siya healthy ‘no? lol! At hindi rin yata pwede sa mga nagda-diet ang recipe na ito hehehe

    Reply
  7. onlinemommy

    kakagutom Mommy! Gus2ng gus2 naming mag asawa ang hipon eh hehehe..

    2 years old na c Ska kaya mejo malaki na, hindi na sya tumaba mula nung nagkaron sya ng asthma, kse everytime na magkakasakit nawawalan ng ganang kumain.

    Hindi ko pa naiisip kung anong gagawin ko sa onlinemommy.blogspot.com πŸ™‚ pero baka isarado ko na lng πŸ˜‰

    Reply
  8. Yami

    @Nortehanon mukhang masarap ang ideya mo na ibabad sa sprite. gawin ko nga ‘yan pero di muna this week baka mahiblood naman kami hehe.

    Naku kung maibabalik lang mas sariwa at mura talaga ang pagkaing dagat noon. Naalala ko ang lola ko nung nabubuhay pa hinihingi lang niya sa mangingisdang kapitbahay namin ang mga sobrang biya at talangka tsaka isasapaw sa bagong subong kanin. Sarap alalahanin.

    @Onlinemommy you have so much memories sa onlinemommy ha. kasama sa pagbabago ‘yan.

    Kapag na-outgrow ni Ska ang hika gaganda ang katawan niyan. Naku alam mo ba nung maliliit mga anak ko parati naming katabi ang nebulizer bale ba ang mahal ng gamot na pang-asthma. Sala sa init at sa lamig ‘yang hika.

    Reply
  9. Lynn

    Hipon! Marami-rami rin akong nadaanang LP na hipon ang bida. Mapapahipon ako nito sa weekend. Tama ka at madali lang ang halabos pero ang sarap.

    Reply

Leave a Reply to Yami Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *