Litratong Pinoy: Hudyat

Nakakatuwa at nagbalik na naman ang bisyo natin tuwing araw ng Huwebes. Litratong Pinoy is back!

Ang tema ngayong Linggo ay HUDYAT o sinyal, alarma, tanda, babala, senyas. May ilang larawan akong kinunan nang minsang mamasyal kami sa National Bookstore. Tamang-tama at magagamit ko pala ang mga ito sa espesyal na araw ng Litratong Pinoy. Pagpasensiyahan ninyo at may kalabuan ang mga larawan dahil cellphone camera lang ang ginamit ko dito. Wala pa po kasi akong camera sa ngayon.

May mga batang makukulit ang kailangan ng alalay sa pag-akyat sa escalator.
Kailangan nating maging pamilyar sa mga simpleng karatulang ito sa oras ng emergency.
Seryoso ang babala ‘di ba? Pero alam niyo ba na hindi alintana ng ibang kababayan natin ang panganib na dulot ng pagtawid sa kalyeng ito. Hindi mabilang na buhay na ang nasawi dahil sa paglabag sa simpleng babala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *