Litratong Pinoy: Imposible ba ito?

Ang sarap mag-motor sa countryside. Sariwa ang hangin at walang trapik. Pero parang imposible ata na mangyari ito sa lahok kong litrato. Paano ka magmo-motor sa itaas ng mga puno. Maliban na lang kung ikaw si Edward Cullen, ang bidang lalaki sa pelikulang Twilight. Dahil sa ito ay produkto ng Photoshop, magtataka ka pa ba?

Ito ang orihinal na litrato ng aking asawa at anak na bunso. Kinunan lamang ito sa harapan ng bahay namin isang araw ng Linggo. Minsan may mga larawan na hindi mo na alam kung orihinal na kuha o produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga artist na bihasa sa paggamit ng Photoshop at iba pang katulad na aplikasyon sa pagmanipula ng mga larawan.

Naririto ang larawan ng iba pang kalahok ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy.

12 thoughts on “Litratong Pinoy: Imposible ba ito?

  1. Yami

    @Carnation, Marites, SilentPrincess ang kabiyak ko po ang gumagamit ng photoshop. Mabuti sa kakalaro niya ng mga litrato naitabi ko ang isang ito at nailahok ko pa sa LP.

    @Shie, nakakalungkot nakalimutan na niya kung sana kinuha ang background na ‘yan. kapag nagbalik na ang alaala niya sasabihin ko sa’yo. 😀

    @John salamat sa pagbisita. Balik ka lang. Happy weekend din sa’yo.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *