Litratong Pinoy: Lakad (walk)


Tamang-tama pala ang tema ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy – Lakad. Matagal ko ng pinaiisipan kung anong okasyon at pagkakataon ko maaaring gamitin ang mga litratong ito ng aking kabiyak. Ang yabang ano? Hindi halatang mahirap ano po? Naimbitahan lang siya ng mga kaibigan at dating kasamahan niya sa trabaho kaya siya nakapag-golf ng libre sa Puerto Azul Golf and Country Club matagal na panahon na rin ang nakalipas.

Pormang propesyunal ba? hehe. (Pasensya na po napaliit yata masyado ang resize ko sa mga larawan para hindi po matagal mag-load) Carry naman ng honey ko eh. Naglalaro kasi siya noon (libre pa rin LOL) sa may Intramuros.

Ano ang panama ni Tiger Woods sa palo mo? Ayan napalakas yata. ‘Di mo na makita ang bola ano?

Hala sige lakad at hanapin ang bola. May bayad ‘yon ‘pag ‘di mo nakita. hehe

Ang layo naman ng kuha ‘di ko tuloy maaninag ang kagwapuhan ng irog ko, hehe. Alam ko tinetreasure ng kabiyak ko ang outing na ito kasama ng mga kaibigan niya (isa po sa kanila ang nasa dalawang larawan dito.

Kung napangiti po kayo, mag-ienjoy ‘din kayo sa iba pang mga lahok dito.

16 thoughts on “Litratong Pinoy: Lakad (walk)

  1. Petit

    Naku! Nakakatuwa.. Alam ba ng kabiyak mo na ginawa mo syang kakatawanan? Hindi naman pangit na katatawanan, cute at nakakatuwa lang. tuloy binigyan mo ako ng idea na mag photo blog din tungkol sa asawa ko. Lalo na kapag galit ako…… para naman maibsan ang galit ko at matawa na lang. hahaha

    Reply
  2. Marites

    nakita ba iyong bola? hehehehe! walang panama nga si Tiger Woods! Buti nalang, hindi napupunta sa Pinas si Tiger, kundi talo sana siya ng irog mo. maligayang LP!

    Reply
  3. Lynn

    Kaya ako naman hindi ko magustuhan ang golf, ang daming lakad. Mas maraming lakad kumpara sa paglaro. Game of physical and mental endurance daw iyan. πŸ˜€

    Reply
  4. shykulasa

    mukhang enjoy na enjoy nga ang irog mo πŸ™‚ bkit nga kaya nahihiligan ng mga lalaki yang sports na yan, puno ng lakad at nakakaitim … minsan gusto kong subukan para malaman πŸ™‚

    Reply
  5. onlinemommy

    Tumpak ka mommy Yami, napangiti ako. Nakakaaliw ang iyong katha.

    Hmm nakarating na ako sa Puerto Azul nung ako’y musmos pa. Ito ang unang lugar na napuntahan kong napahanga talaga ako.

    Salamat sa dalaw πŸ™‚

    Reply
  6. MAARTE

    Ang asawa ko din gusto mag-golf kasi dad nya at kapatid napakahilig sa golf kaso ang mahirap ay wala na talaga minsan time para mapag-aralan ang sports na ito.

    Reply

Leave a Reply to yeye Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *