Litratong Pinoy: Palengke (market)

Medyo maulan at madilim na ang paligid kaya ganito ang resulta ng lahok ko ngayong Huwebes. Ito ang talipapa o maliit na bersyon ng palengke sa lugar namin. Kumpleto naman ang mga paninda dito kaya para ka na ring namalengke sa pamilihang bayan.

Dito ang hilera ng baboy, manok at isda
 
Sariwang gulay naman ang mabibili dito
 
Tindahan din ng gulay ang nakapwesto dito dangan nga lang at nakapagligpit na ang tindera dahil gabi na.
Silip tayo sa iba pang lahok ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy. Maligayang Huwebest! 

10 thoughts on “Litratong Pinoy: Palengke (market)

  1. luna miranda

    di ako magaling mamalengke sa wet market. ilang beses na ako naloko, at nakakantyawan sa bahay.:P tulad ni upto6only, sa supermarket din ako namamalengke…pwede isoli kung palpak.:P

    Reply

Leave a Reply to an2nette Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *