Litratong Pinoy: Pangarap Ko

Taoist Temple, Beverly Hills, Cebu City

Ako (nasa gitna) at ang mga kasamahan ko sa health beat.

Plantation Bay Resort, Mactan, Cebu

Sa labas ng hotel

Kung meron akong pangarap na balikan. Ito ang Taoist Temple at Plantation Bay Resort, ilan sa magagandang pasyalan at bakasyunan sa Cebu. Dahil sa trabaho ang ipinunta namin sa mga nasabing lugar, hindi rin namin nagawang makapamasyal ng husto.

Ang Taoist Temple ay hindi lang isang lugar na masarap puntahan kung gusto mong magmuni-muni. Ipinagmamalaki rin ng lugar na ito ang magandang architectural design ng templo. Kita rin mula sa itaas nito ang kagandahan ng siyudad.

Isang ‘perfect place’ naman para sa mga honeymooners at sa buong pamilya rin ang Plantation Bay Resort para sa isang memorable na bakasyon. Kung sakali man na makabalik ako rito, siguradong kasama ko na ang asawa at mga anak ko.

Kayo, ano ang inyong pangarap na puntahan? Pasyalan ninyo ang Litratong Pinoy para sa ibang lahok ngayong Linggo.

19 thoughts on “Litratong Pinoy: Pangarap Ko

  1. luna miranda

    maganda nga pasyalan ang Taoist Temple at Plantation Bay. pasyalan mo rin ang Mactan Shangrila, di ka magsisisi.:D

    marami pang magagandang pasyalan sa Cebu. sana makakabalik ka don soon.

    Reply
  2. shykulasa

    hi sis …. mukhang may free time ka at naunahan mo akong mag LP 🙂 …

    gusto ko din puntahan yang plantation bay sa cebu …. sa city lang kasi ako palagi!

    Reply
  3. Miriam

    @Willa, An2nette, Thess, Zee, Julie, Mauie pwede pala tayo mag EB sa Cebu dahil gusto natin makarating o bumalik do’n. Dapat maka-avail nga tayo ng discount. 🙂

    @Luna sige kung sakali makabalik ako sa Cebu, pasyalan ko din ang Mactan Shangrila.

    @Shie, hinayang akong di sumali this week eh. kaya naghalungkat ako ng litrato sa baul ng kasaysayan, hehe

    @Snow pareho tayong may kaba each time na sasakay ng eroplano. Ang ginagawa ko basta pagtake-off ng plane nagdadasal ako kay God to protect us from any harm. Effective naman. 🙂

    Reply
  4. PEACHY

    nakapunta na ako sa Taoist temple, ang ganda nga ng view mula sa itaas.
    maraming salamat sa pagbisita. Sana nga matupad muli ang pangarap mong pasyalan ang mga ito.

    Reply
  5. ian

    nakakatuwa nga ang cebu- kapareho ng pintig sa kamaynilaan nguni’t mayroong bahagyang kabagalan na hindi nakakapagod…

    salamat sa pagbisita sa aking safarisogood.blogspot.com at pakikiisa sa aking mga pangarap =]

    nawa’y matupad ang mga iyo =]

    Reply
  6. ces

    ako rin gusto kong mabalikan ang plantation bay!:) at pareho mo trabaho lang din ang dahilan kung bakit ako nakarating dito…sana sa susunod, bakasyon naman:)

    Reply
  7. Miriam

    @Marites, Peach, Peachkins, Ces, Lino, Fortuitous Faery, Lino at Ces sana ay makabalik tayo o mapuntahan natin ang ibang lugar sa Cebu bilang parte ng isang masayang bakasyon. Salamat sa pagdalaw niyo. 🙂

    Reply

Leave a Reply to thess Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *