LP: Linis (Clean)

Kay bilis ng panahon hindi ako makapaniwala Oktubre na ngayon.Ilang tulog na lang at Pasko na naman. Ngayong Huwebes ang paksa sa Litratong Pinoy ay ‘Linis’. Sa pagbubungkal ko sa baul ng mga lumang larawan ay nakita ko ang mga ito. Kuha ko ito noong ako ay -teen pa lamang (1989). Bale nagsasanay ako sa pagkuha ng larawan gamit ang yumao kong Yashica SLR camera.

Ang nasa larawan ay nanay ng tiyahin kong si Ate Viring na asawa ng tiyo kong si Danny na kapatid naman ng nanay ko. Kailangan kong ipakilala si Lola Petra bilang paggalang sa ala-ala niya at ng kanyang anak na si Ate Viring. Si Lola Petra ay tipikal na matanda sa kanila na humihithit ng sigarilyo habang nagwawalis o naglilinis ng kanilang bakuran. Kuha pala ito sa tahanan nila sa Pila, Laguna.

Silip naman tayo sa iba pang lahok dito sa Litratong Pinoy.

9 thoughts on “LP: Linis (Clean)

  1. luna miranda

    kagaya nito ang gusto ko rin sanang i-post ngayong linggo. nostalgic nga, ang lola ko mahilig din magwalis [although she didn’t smoke] ng malawak nyang bakuran. kapag ako ang pinapawalis no’ng bata pa ako, lapnos ang mga palad at napapaiyak ako.:P

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *