Pahabol na entry para sa Litratong Pinoy: Tulay at Simula Pa Lamang

Unang sali ko ito sa Litratong Pinoy. Salamat kay JennyL at kay Jes sa inspirasyon na sumali. Kay Jenny na nagsabi na maaari naman akong sumali kahit na hindi ako propesyunal na litratista. At kay Jes, dahil nakita ko ang LP entry niya. Sabi ko maaari pa pala akong humabol para sa Linggong ito. Here’s the picture of my youngest child (Khalil) who is just starting to walk. And shot of San Juanico Bridge on my first trip to Leyte.

Unang Hakbang
Kuha ito ng bunso kong si Khalil sa pagdiriwang ng Una niyang kaarawan kasama ng kanyang pinsang si Julia. Ito rin ang una niyang subok sa paglalakad ng may alalay. Parati kasi siyang nasa loob ng playpen at hindi nasanay na maglakad sa sarili niya.

San Juanico Bridge
Ang Tulay ng San Juanico ay ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na pinagdudugtong ng ang mga pulo ng Leyte at Samar. Ipinatayo ito sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos. Marcos Bridge ang tawag sa tulay na ito noon.

Nangingiti ako sa ala-alang dulot ng tulay na ito. Kinuha ko ang litratong ito habang umaandar ang aming sasakyan. Wala namang espesyal na okasyon ang pagdaan o ang pagtawid namin sa 2.2 kilometrong tulay na ito. Naisipan lang ng kaibigan ko na itawid ako dahil sa unang pagkakataon na ako ay mapunta sa Leyte bilang bahagi ng aking trabaho.

13 thoughts on “Pahabol na entry para sa Litratong Pinoy: Tulay at Simula Pa Lamang

  1. jennyL

    welcome sa LP Yami!! aab special mention pa ko dito ah..

    mahalagang simula nga sa mga bata ang unang paglakad nila buti at may mga pictures ka nila kasi memories yan.

    see u around Yam

    Reply
  2. Jes

    hihihi yan nkhbol k n nga! =) hooray!!! sa mommy moments ksali k n d b? sa toy hunt ksali k n dn b?> hihhihi sali ng sali!!!

    Reply
  3. Miriam

    @Shie, sali ka rin. magaganda ang mga kuha mo naka-post sa site mo. 🙂

    @Jen wag na sa toy hunt, damulag na mga kids ko eh. Pero ang mga toys nila nakatabi pa rin. 🙂

    Reply
  4. Arlene

    Hi, welcome to LP!

    Been to that bridge and it’s my first longest bridge to walk on. 🙂

    I can relate to toddlers trying to make their first step. 🙂

    Happy LP!

    Reply
  5. Jay - agent112778

    noong pumunta kami ng Ormoc, noong sinabi nilang malapit na kami sa Bridge(town ng Basey ata yun) di na ako natulog pa, umupo na ako sa tabi ng pintuan ng bus at inabangan ang bridge. di daw kasi pwedeng huminto kaya binagalan na lang ng driver namin ang takbo para masulit namin ang view

    sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista 🙂
    Salamat sa pagbisita 🙂

    Reply
  6. Miriam

    @Arlene, thanks. Nilakad mo ang San Juanico Bridge? Wow! Ang layo no’n.

    Memorable talaga ang mga firsts sa bata. 🙂

    @Shy, ang bilis nga ng posting mo.:)

    @Jay, its funny, mabagal din ang takbo ng sasakyan namin habang tinatahak namin ang tulay.
    Ang maganda lang nung time na dumaan kami, maaga pa at wala talaga kaming kasabay na ibang sasakyan.

    @Ternski, Salamat din.

    @Thess, tama ka diyan. Salamat. Kita-kits. 🙂

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *