Tag Archives: child’s first step

Pahabol na entry para sa Litratong Pinoy: Tulay at Simula Pa Lamang

Unang sali ko ito sa Litratong Pinoy. Salamat kay JennyL at kay Jes sa inspirasyon na sumali. Kay Jenny na nagsabi na maaari naman akong sumali kahit na hindi ako propesyunal na litratista. At kay Jes, dahil nakita ko ang LP entry niya. Sabi ko maaari pa pala akong humabol para sa Linggong ito. Here’s the picture of my youngest child (Khalil) who is just starting to walk. And shot of San Juanico Bridge on my first trip to Leyte.

Unang Hakbang
Kuha ito ng bunso kong si Khalil sa pagdiriwang ng Una niyang kaarawan kasama ng kanyang pinsang si Julia. Ito rin ang una niyang subok sa paglalakad ng may alalay. Parati kasi siyang nasa loob ng playpen at hindi nasanay na maglakad sa sarili niya.

San Juanico Bridge
Ang Tulay ng San Juanico ay ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na pinagdudugtong ng ang mga pulo ng Leyte at Samar. Ipinatayo ito sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos. Marcos Bridge ang tawag sa tulay na ito noon.

Nangingiti ako sa ala-alang dulot ng tulay na ito. Kinuha ko ang litratong ito habang umaandar ang aming sasakyan. Wala namang espesyal na okasyon ang pagdaan o ang pagtawid namin sa 2.2 kilometrong tulay na ito. Naisipan lang ng kaibigan ko na itawid ako dahil sa unang pagkakataon na ako ay mapunta sa Leyte bilang bahagi ng aking trabaho.