Tag Archives: Dying Young: The Journey of a Young Filipino Living with HIV

HIV and Luigi’s journey through life

taken from Luigi’s profile

Si Luigi ang isa sa mga kabataan na hinangaan ko ang tapang. Tapang na harapin ang katotohanan sa kalagayan niya. Tapang na magsalita at aminin kung sino siya. Siya rin si Dying Young. Kailangan ko siyang bigyan ng bansag (Luigi) sa kadahilanang maselan ang kanyang kundisyon. Isa siyang Pusit o positibo sa HIV (human immunodeficiency virus) infection. Ang mga anak ko ang pumili ng Luigi dahil nang mga panahon na ‘yon ay kapapalabas pa lang ng animation na Cars. Kaya hayun, Luigi ang ibinansag ko sa kanya.

Marami akong natutunan sa kanya. Nagpanggap pa nga akong lalaki o pa-men makapasok lang sa isang website para makita ko ang mundo ng mga kagaya ni Luigi na nabibilang sa third sex.

Hindi ko na pahahabain pa. Dahil sa determinasyon ng batang ito na palaganapin ang tungkol sa kundisyon ng HIV/AIDS ay binuo niya ang blogsite na Dying Young: The Journey of a Young Filipino Living with HIV noong 2006, gamit ang snapshot ng dati kong dyaryo noon at series ng storya niya. Naka-post din do’n ang radio interview niya, at special mention pa ako. Salamat!

Kagabi ko lang nakita ulit ang website niya after a couple of years dahil sa pagri-research sa Google. Hindi updated ang site ni Luigi at wala ring commenters.

Susulatan ko si Luigi at ipaaalam ko sa kanya na na may blog na rin si Ate Miriam. Who knows baka maisipan ulit niyang magkwento, ‘di na nga lang sa diyaryo.

Hindi lang si Luigi ang nabigyan ng mukha sa aking mga lathalain. Marami sila. Namayapa man ang iba, subalit patuloy pa rin ang takbo at laban ng buhay para sa mga naiwan na gaya nila.

Salamat din pala sa kay Klasmeyt Tess (editor ko ‘yan) dahil sa ganda ng treatment niya sa pinaghirapan namin ni Luigi.

Minsan sa Facebook, sabi niya miss na niya ang mga exclusive stories namin. Ganoon din naman ako. Salamat sa magagandang memories sa Journal.