Tag Archives: Litratong Pinoy

Litratong Pinoy: Lansangan

Lansangan ang tema ngayon sa Litratong Pinoy. May maikling kwento ang mga batang ito sa lansangan. Naaalala pa ba ninyo ang puno ng Indian Mango sa lahok kong Lahat ay Payak para sa LP noong buwan ng Mayo? Ito ang punong ‘yon. Nasa tabing lansangan kasi kaya hindi matiis ng mga batang nagdadaan ang kumuha ng walang paalam.

Eh sino naman ang itinuturo ng bata sa ibaba? Itinuturo niya ang mga batang patay-malisyang naglalakad palayo na siya daw nag-utos sa kanya na umakyat para kumuha ng mangga. Mukha siyang takot kasi biniro ng esposo ko na ipapabarangay siya (‘yung bata) kapag hindi siya bumaba.

May ilang panahon na naman at muling mamumulaklak at mamumunga ang aming puno sa tabing lansangan kaya ang mga ganitong tagpo ay magiging pangkaraniwang na lang. Nakuh mamamaos na naman ang lalamunan ko sa kakasaway sa mga mukukulit na bata kasama na ang mga nasa larawan.

At ito naman ang kaganapan sa labas ng Manila Cathedral kung saan namalagi ng ilang araw ang mga labi ng dating Presidente Cory Aquino. Kuha ito ng aking esposo bago siya tumuloy sa pinapasukang opisina.

Dito naman pumuwesto ang mga kababayan nating nagtinda ng mga Cory Aquino memorabilia. Medyo may kamahalan ang ilang paninda nila pero naging patok pa rin sa mga mamimili. Eto nga at may pasalubong pang Cory shirt ang irog ko para sa akin.

Tunghayan ang iba pang lahok ngayon sa Litratong Pinoy.

Litratong Pinoy: Lakad (walk)


Tamang-tama pala ang tema ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy – Lakad. Matagal ko ng pinaiisipan kung anong okasyon at pagkakataon ko maaaring gamitin ang mga litratong ito ng aking kabiyak. Ang yabang ano? Hindi halatang mahirap ano po? Naimbitahan lang siya ng mga kaibigan at dating kasamahan niya sa trabaho kaya siya nakapag-golf ng libre sa Puerto Azul Golf and Country Club matagal na panahon na rin ang nakalipas.

Pormang propesyunal ba? hehe. (Pasensya na po napaliit yata masyado ang resize ko sa mga larawan para hindi po matagal mag-load) Carry naman ng honey ko eh. Naglalaro kasi siya noon (libre pa rin LOL) sa may Intramuros.

Ano ang panama ni Tiger Woods sa palo mo? Ayan napalakas yata. ‘Di mo na makita ang bola ano?

Hala sige lakad at hanapin ang bola. May bayad ‘yon ‘pag ‘di mo nakita. hehe

Ang layo naman ng kuha ‘di ko tuloy maaninag ang kagwapuhan ng irog ko, hehe. Alam ko tinetreasure ng kabiyak ko ang outing na ito kasama ng mga kaibigan niya (isa po sa kanila ang nasa dalawang larawan dito.

Kung napangiti po kayo, mag-ienjoy ‘din kayo sa iba pang mga lahok dito.

Litratong Pinoy: Hapunan (Dinner)


Huwebes na naman mga ka-LP. Ang tema ngayon Linggo ay hapunan. Kaya eto ang walang kamatayang hipon. Hindi espesyal ang luto ko sa hipon na ‘yan, halabos lang o pinakuluan ko sa konting asin, vetsin at paminta. Madalian kasi. Alam niyo kung bakit? Late na kasi akong nakagpagluto mabuti may inabutan pa akong hipon sa talipapa. Bakit nga? Kasi naubos ang oras ko kaka-babad sa computer. Aminin mga mommies diyan, hindi lang ako. hihi. May partner naman na gulay ang hipon nakalimutan ko lang kuhaan ng litrato kasi gutom na mga anak ko. hehe. Hayun nairaos din ang hapunan. Burp! Excuse me. Kung busog na kayo, aba dapat bisitahin niyo muna ang ibang nagluto ng hapunan dito bago kayo kumain ng panghimagas. Happy Huwebes sa lahat! 🙂