Tag Archives: maagap

LP: Maagap

Sa pagkuha ng detalye dapat maagap ka. Gumagamit ako ng tape recorder bukod sa pagsusulat sa notebook ko mahirap na baka mamis-quote ko ang source o ‘di kaya ay ideny ang binitiwang salita o kaya naman ay basehan para ako ay ma-libel. Mabuti na ang maagap di ba. Eh kamusta naman kaya ang mga ginoong ito sa loob ng New Bilibid Prison. Dito po sa Litratong Pinoy alamin natin ang ibang pakahulugan sa salitang maagap.