Tag Archives: photo meme

Litratong Pinoy: Makapal (thick)

Makapal na ang dahon ng punong Mangga kaya nagdesisyon na kami na bawasan ito. Dahil sa ang punong ito ay nakatanim sa loob ng aming kusina natural na ang mga sanga nito at dahon ay nakapatong sa aming bubong. Alam niyo ba na ilang araw bago mag-bagyong Ondoy ay nauna nang binaha ang loob ng aming bahay matapos ang malakas na pag-ulan. Ang sanhi ay ang nagbarang tuyong dahon ng mangga sa aming alulod. 

Nagsimula ang aking kabiyak sa pagputol ng mga sanga nito noong Linggo ng hapon matapos sungkitin ang mga bunga nito.

Malaki man ang nabawas sa mga sanga nito ay wala naman kaming intensiyon na putulin ng tuluyan ang puno dahil nagdudulot ito ng preskong hangin sa paligid.

Sundan ang iba pang lahok sa Litratong Pinoy.