Tag Archives: Plantation Bay

Litratong Pinoy: Pangarap Ko

Taoist Temple, Beverly Hills, Cebu City

Ako (nasa gitna) at ang mga kasamahan ko sa health beat.

Plantation Bay Resort, Mactan, Cebu

Sa labas ng hotel

Kung meron akong pangarap na balikan. Ito ang Taoist Temple at Plantation Bay Resort, ilan sa magagandang pasyalan at bakasyunan sa Cebu. Dahil sa trabaho ang ipinunta namin sa mga nasabing lugar, hindi rin namin nagawang makapamasyal ng husto.

Ang Taoist Temple ay hindi lang isang lugar na masarap puntahan kung gusto mong magmuni-muni. Ipinagmamalaki rin ng lugar na ito ang magandang architectural design ng templo. Kita rin mula sa itaas nito ang kagandahan ng siyudad.

Isang ‘perfect place’ naman para sa mga honeymooners at sa buong pamilya rin ang Plantation Bay Resort para sa isang memorable na bakasyon. Kung sakali man na makabalik ako rito, siguradong kasama ko na ang asawa at mga anak ko.

Kayo, ano ang inyong pangarap na puntahan? Pasyalan ninyo ang Litratong Pinoy para sa ibang lahok ngayong Linggo.