Tag Archives: sex scandal

Katrina Halili’s opening statement at the Senate hearing of the Katrina-Hayden sex video:

“Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag uusapan dito. Minahal ko si Hayden. bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isisping ako lang ang nagmamay ari ng puso niya. pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan wala itong pinatunguhan.

Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay yung puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal nya rin ako ng lubusan.

Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.

Patay na ako pero may video pa rin at may Internet. Dalawa lang kasong sinampa ko sa pambababoy na ginawa sa akin sa pagkatao ko. Gusto ko siyang matanggalan ng lisensiya bilang doktor. Wala siyang karapatan maging doktor. Gusto ko rin siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin.

Pero ano pong iginanti nila. Kasama ni Hayden ang kanyang ina. Sari-saring paninira ang binato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video. Inaabuso pa rin ako sa sex video, inaabuso pa ako muli sa publiko.

And issue dito ay pang-aabuso sa kababaihan. Ang pambababoy sa akin at sa iba pang biktima ni Hayden. Sa kultura po natin habang buhay na latay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ako na nasasaktan. Araw-araw na nagdurusa. May anak o kapatid din po kayo na babae. Ayaw din nyo mangyari sa kanila ang sinapit ko.

Sana ipagpatuloy ng Senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layuning itaguyod ang karapatan at proteksyon para sa aming kababaihan dahil iba na ang ginagamit na panggagahasa at pambababoy sa karapatan ng kababaihan. Sa Intenet, sa blogs, DVDs at iba pa.

Nabiktima ako. Isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Hayden Kho. Pero may hangganan ang katangahan. At sa araw na ito buong loob na humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sarili. Ilalaban ko ang aking karapatan ng mabuhay ng marangal, ng walang takot at malayo sa karanasang inabot ko dahil sa sex video.

Sana po sa publiko itigil na po natin ang pagtangkilik sa mga sex videos at malalaswang panoorin. Kung walang tumatangkilik wala rin din pong gagawa ng mga sex video. Sana po ang pangalang Katrina Halili na lang ang huling sa mga sex videos. Sana po wala ng susunod pa. Salamat po.

Brouhaha over Hayden and Katrina’s steaming sex video

Filipina actress and reality talent search product Katrina Halili and Dr. Hayden Kho, a cosmetic surgeon in a product endorsement photo shoot. (I got the picture here)

Anger for Hayden Kho and pity for Katrina. This was my initial reaction when I saw the latest sex video for the first time last night through a cellphone.

If one is to look at it as plain sex video and you don’t know any of the actors in it, you would say it’s a clip from a porn movie as the ‘act’ is done artistically. But since everyone knows and talking about the video involving both actors, I can’t help but took pity on Katrina. She’s a woman and her rights (as a person) has been violated. Whether Katrina was aware or not when she it was filmed, my heart goes out to her.

Somebody has to pay for the bastard act (of filming and distributing the sex clip). In an interview Lolit Solis claimed that only four people knew or are keeping the copy of the video.

Such a pity. I support women’s group Gabriela and even Senator Bong Revilla in condemning Hayden (and other culprits) for this dastardly act.

This is my take on this issue. What’s yours?