Category Archives: Memories

Untold stories

Transcript files

If ever I get a chance to write a book or a script someday I think it should begin from the content of this box. These are the accumulated transcript of recorded interviews that I kept all these years.

One of the early interviews I had with a person living with HIV/AIDS

I know these documents will be useful one day…But if ever I’m going to give life to the character in each transcript, it will be to appreciate the lives of those who share their stories with me… I don’t know when to start writing but I hope there will be individuals or group who will be interested to sponsor the book.

Ricky Lee

Una kong isinulat ang blogpost na ito noong March 30, 2009 at in-update ko lang sa kasalukuyang petsa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Since script writing ang huli kong sinulat. May ibabahagi akong anekdota na hindi ko makakalimutan maliban na lang sa pangalan ng okasyon at ang eksaktong petsa kung kailan ito naganap (memory gap daw yata ang tawag sa kondisyong ito).

Involve dito si Ricky Lee, isa sa mga natatanging manunulat sa bansa. May isang speaking engagement si G. Lee sa PUP noon at isa ako sa miyembro ng secretariat. May isang middle-aged guy clad in simple shirt and pants and rubber shoes ang lumapit at nagtanong kung nagsimula na ang programa. I plainly replied na hindi pa kasi wala pa ‘yung speaker. Sinuklian lang niya ako ng ngiti at tumalikod na.

Sa madaling salita nagsimula ang programa. Nabigla ako ng kaunti at natawa sa sarili ko ng iintroduce na ang speaker. Walang iba kundi ‘yung simpleng mama na nagtanong sa akin. Maaaring napahiya ako pero I came prepared for the autograph signing. Siyempre may dala akong libro na akda niya. Pagkatapos ng okasyon, lumapit ako kay G. Lee at patay-malisyang humingi ng kanyang pirma. Nangiti lang ang soft-spoken na mama nang abutin ang libro at kanya itong pirmahan.

Pitik-bulag sa Buwan ng Pebrero ang librong nilagyan ng dedication ni G. Lee. Sayang maski na ‘yung dedication hindi ko na rin maalala tsk tsk. Inspiradong-inspirado pa naman ako sa librong ‘yon. Sabi ko balang-araw makakagawa rin ako ng isang kagaya nun. Sa kasamaang palad, may kumuha o nanghiram ng nasabing aklat at hindi ko na nakita pa magmula noon.

May pagkakataon sana na muli ko siyang makakadaupang-palad. Plinano naming ng kumare ko na mag-attend ng scriptwriting class sa Quezon City kung saan siya ang magtuturo. Hindi rin natuloy ang inaanticipate naming event sa hindi malamang dahilan.

Sa susunod hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ma-meet ko ang idol ko.

Ang P-bBP ay isang libro ng screenplay na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Hindi sa akin ang larawan.