Itinatampok sa Linggong ito ng Litratong Pinoy ang temang `Lahat ay Payak’ kaya naman naisipan kong ilahok ang larawan ng puno ng Indian Mango. Ilang buwan pa lang ang edad ng mangga sa unang larawan. Matatagpuan ito sa tarangkahan ng aming bahay. Ang ikalawa naman ay namumunga na. Matatagpuan ang katawan ng matayog na puno sa loob ng aming kusina. Naitanim ito bago pa itayo ang aming bahay.
Nagsimula sa isang payak na halaman, ang puno ng mangga ay lumaki at nagdulot ng pakinabang sa amin. Bukod sa prutas nagbibigay din ang punong ito ng lilim sa katanghaliang tapat.
Maraming pang kalahok ang matatagpuan dito.
English Translation:
This week, Litratong Pinoy highlights the theme All Are Simple this is why I’m posting the pictures of Indian Mango tree. The small Indian Mango plant in the first photo is barely a few months old. It is found at our gate. The second tree is already bearing fruits. The trunk of the tall tree is located inside our kitchen. It was planted long before our house was built.
It started in a simple (or young) plant, the mango tree matures and becomes useful to us. It provides not only green mangoes but shades at high noon.
Other entries are found here.
Finally! A blog in Filipino. Hinihintay ko kailan lalabas ang ganito. Upgraded ka na.
I miss Indian Mangoes na! Love it talaga… π
Happy LP!
I’m sure masarap ang bunga. Miss ko na yan.
I love mangoes!
wow ang ganda na may tanim ka ng mangga sa tabi ng bahay, ang sarap nyan kasama ang bagoong π
@Sir pogi, malapit na may mababasa ka na ring Tagalog.
@Zee, emarene, snow, salamat.
@Shie, sumasakit ang ulo kapag namumunga ‘yan kasi madami ang nangungulimbat kahit gabi, hehe!
may spesyal akong luto sa bagoong para sa Indian Mango na galing sa punong ‘yan. π
nice place, buti pa kayo may mangga π
wow, that’s deep π love love mangoes!
Buti naman hindi nyo pinutol yung puno dun sa kusina nyo. Kakaiba, may puno kayo sa loob ng bahay.:)
Bihira ang may ganito…tawag namin dito ay punong-bahay…hehe
Cool tree, delicious fruit.
By planting it, you have both.
Wow, pahingi naman ng bunga ng indian mango tree nyo..mahilig ako dyan.. hehehe
Kapag namunga ulit padalhan kita san ba ang inyo? π
the best talaga pag may puno sa bakuran, lalo na yong namumunga. triple ang pakinabang ng isang simpleng puno.
Naku, sana ako rin magkaroon ng bakuran na ganiyan…
Maligayng LP!
salamat sa pagbisita! matamis ba ang bunga niyan? sarap kumain ng mangga π
parang ang ganda naman ng bahay nyo, may puno sa loob. π
http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/05/lahat-payak.html
tama masarap para sa naglilihi. ito ang aking lahok.
ayayay! na-miss ko naman ang indian mango tree namin noon!:( sarap lalo at pa summer na dito!:)
ces
isa sa mga paborito kong prutas ang indian mango… π
hi! wow anggaling nmn anglaki n ng indian mango…pag nagbunga yan lalung masarap ahaha =) salamat sa dalaw kapatid =) nde ako masipag magluto, napilitan lng dhil ala kme taga luto sbuong linggo ahahah =)
Kulang na lang ay bagoong ha ha! Ang sarap naman ng prutas na libre mo naha-harvest …pero nalito ba ako, totoo bang nasa loob ng kusina itong malaking puno? open kitchen, ang galing naman π
hehe. hindi po open kitchen, bale kasama ‘yung katawan na nilagyan ng bubong…palaki na nga ng palaki ang katawan eh…baka matibag ‘yung flooring ng bahay…
nakakapang-asim namang tingnan ang indian mango, but in a good way. Masarap dyan ang yung malutong na malutong na sinawsaw sa alamang.
may special home-made alamang ako para diyan. π
wow yam, young mango tree! I love the smell of the fresh leaves when crushed.
thanks for the visit..and hey i added u to FB.
Yep, added you, too. Thanks! π
ang ganda ng lahok mo.
We had mangga at bagoong today, pero hindi indian kaya miss ko tuloy yan!
may puno rin kame ng mangga sa bakuran kasing laki pa lang siya ng nasa unang litrato mo. can’t wait for the fruits. π