Litratong Pinoy #3: Lahat ay Payak

Young Indian Mango Plant

Indian Mango Tree

Itinatampok sa Linggong ito ng Litratong Pinoy ang temang `Lahat ay Payak’ kaya naman naisipan kong ilahok ang larawan ng puno ng Indian Mango. Ilang buwan pa lang ang edad ng mangga sa unang larawan. Matatagpuan ito sa tarangkahan ng aming bahay. Ang ikalawa naman ay namumunga na. Matatagpuan ang katawan ng matayog na puno sa loob ng aming kusina. Naitanim ito bago pa itayo ang aming bahay.

Nagsimula sa isang payak na halaman, ang puno ng mangga ay lumaki at nagdulot ng pakinabang sa amin. Bukod sa prutas nagbibigay din ang punong ito ng lilim sa katanghaliang tapat.

Maraming pang kalahok ang matatagpuan dito.

English Translation:

This week, Litratong Pinoy highlights the theme All Are Simple this is why I’m posting the pictures of Indian Mango tree. The small Indian Mango plant in the first photo is barely a few months old. It is found at our gate. The second tree is already bearing fruits. The trunk of the tall tree is located inside our kitchen. It was planted long before our house was built.

It started in a simple (or young) plant, the mango tree matures and becomes useful to us. It provides not only green mangoes but shades at high noon.

Other entries are found here.

30 thoughts on “Litratong Pinoy #3: Lahat ay Payak

  1. Miriam

    @Sir pogi, malapit na may mababasa ka na ring Tagalog.

    @Zee, emarene, snow, salamat.

    @Shie, sumasakit ang ulo kapag namumunga ‘yan kasi madami ang nangungulimbat kahit gabi, hehe!

    may spesyal akong luto sa bagoong para sa Indian Mango na galing sa punong ‘yan. 🙂

    Reply
  2. Jes

    hi! wow anggaling nmn anglaki n ng indian mango…pag nagbunga yan lalung masarap ahaha =) salamat sa dalaw kapatid =) nde ako masipag magluto, napilitan lng dhil ala kme taga luto sbuong linggo ahahah =)

    Reply
  3. thess

    Kulang na lang ay bagoong ha ha! Ang sarap naman ng prutas na libre mo naha-harvest …pero nalito ba ako, totoo bang nasa loob ng kusina itong malaking puno? open kitchen, ang galing naman 🙂

    Reply
  4. Miriam

    hehe. hindi po open kitchen, bale kasama ‘yung katawan na nilagyan ng bubong…palaki na nga ng palaki ang katawan eh…baka matibag ‘yung flooring ng bahay…

    Reply
  5. Jona

    may puno rin kame ng mangga sa bakuran kasing laki pa lang siya ng nasa unang litrato mo. can’t wait for the fruits. 😀

    Reply

Leave a Reply to Rico Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *