Litratong Pinoy # 4: Alam Mo Ba?



Alam mo ba na bukod sa pagiging makasaysayan ng Corregidor Island sa Bataan, nababalot din ng hiwaga ang ilang bahagi ng pulong ito partikular na ang Malinta Tunnel. Marami ang nagsasabi na may mga kaluluwang patuloy na nanahan sa loob nito.

Kuha ang mga larawang ito sa nang kami ay maimbitahang mamasyal sa Corregidor noong May 2006.

Ang tunnel na ito ay hinukay upang maging proteksyon mula sa pag-atake ng mga sundalong Hapon. Ang Command communications at medical units ng mga Filipino at Amerikanong sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay matatagpuan din dito.

Pero ang orihinal na disenyo nito ay ginawa upang maging tahanan ng malaking bilang ng ammunition, pagkain at iba pang supplies. Nagsilbing ospital din ito na may 1,000 bed capacity.

Sa unang larawan, pansinin ang mga tila puting bilog sa may kisame ng tunnel. Orbs daw ang tawag sa mga ito na pinaniniwalaang kaluluwa ng mga tao na namayapa na at patuloy na naglalakbay.

Ang ikalawang larawan naman ay ang diorama ng mga pigura na singlaki ng tao. Binilugan ito ni Stargazer, isang psychic medium, nang isangguni ko sa kanya ang mga larawan.

Mga pigura daw ito ng dalawang lalaki. Ang isa ay parang sundalo na naka uniporme at naka-luhod patalikod sa camera. Ang isang pigura naman daw ay mukhang pasyente na nakaupo sa ibabang bahagi ng doubledeck. Natakot ba kayo?

Alam mo ba na maraming lahok ngayon sa Litratong Pinoy?

13 thoughts on “Litratong Pinoy # 4: Alam Mo Ba?

  1. Ria

    waaaahhhhh….sasabihin ko sana na gusto ko mapunta diyan, pero ngayon nagdadalawang isip ako! salamat sa pagdalaw. hanggang sa susunod!

    Reply
  2. Miriam

    Enjoy ba mga ka-LP? honestly, wala akong naramdaman until mag-reflect sa pictures. Still, skeptic pa rin ako about the whole thing. But it’s fun hearing stories about the orbs and whathaveyou in Malinta.

    @Ria it’s ok, as long as magdasal ka lang hoping ‘di o walang magparamdam sa’yo.

    @An2nette yeah marami kasi ang namatay sa loob kaya its possible na mag linger pa na spirit(s).

    @Shie type mo pala ang mga ganitong adventure pero maganda marami kayong pupunta, just in case may magpakita may shield ka,hehe

    @Silentprincess ako rin afraid sa mga ganito pero since wala naman akong inisip nang pumunta kami, ok lang, thank God, wala naman akong naramdaman. Pero ‘yung isang kasama ko meron.

    Reply
  3. thess

    Makapunta sana ako dyan at magbibitbit ako hindi lang camera pati video na rin…sana makakita ako ng ganyang ‘apparition’.

    Happy LP and thank you sa visit ha 🙂

    Reply
  4. ☆Willa☆

    2 beses na akong nakarating ng Corregidor Island, at dalawang beses ko rin pinasok ang Malinta Tunnel, pero dahil wala akong alam sa mga ganyan eh hindi naman ako natakot, pero ngayon na nabasa ko ang entry mo, eh kinilabutan ako.

    Reply
  5. Miriam

    Willa, kinilabutan ka? Could it be possibly true na meron nga? Sa pictures ko lang nakita. When I was there, wala naman akong naramdaman.

    Reply
  6. Janelle

    alam mo ba? karaniwan sa mga larawang kinukuha sa madilim na lugar ang may puting bilog dulot ng thermal effect of a long exposure. kuminsan nangyayari ito kung may dumi o hamog sa lens ng camera mo…

    Reply
  7. Marites

    ngek!! ntinakot mo ako ah. Nakapunta na kami diyan at sabi nga ng guide namin, ilang beses silang nakaramdam na kakaiba tuwing papasok sila sa tunnel. Maski na rin sa buong isla, may nagpapahiwatig. Hindi naman kataka-taka dahil andaming namatay diyan sa labanan.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.