Huwebes na naman mga ka-LP. Ang tema ngayon Linggo ay hapunan. Kaya eto ang walang kamatayang hipon. Hindi espesyal ang luto ko sa hipon na ‘yan, halabos lang o pinakuluan ko sa konting asin, vetsin at paminta. Madalian kasi. Alam niyo kung bakit? Late na kasi akong nakagpagluto mabuti may inabutan pa akong hipon sa talipapa. Bakit nga? Kasi naubos ang oras ko kaka-babad sa computer. Aminin mga mommies diyan, hindi lang ako. hihi. May partner naman na gulay ang hipon nakalimutan ko lang kuhaan ng litrato kasi gutom na mga anak ko. hehe. Hayun nairaos din ang hapunan. Burp! Excuse me. Kung busog na kayo, aba dapat bisitahin niyo muna ang ibang nagluto ng hapunan dito bago kayo kumain ng panghimagas. Happy Huwebes sa lahat! 🙂
Aga naman ng LP mo! Wed pa lang ah!? Hahahaha! Anyways, masarap nga ang hipon. Kahit anong luto. Mahal nga lang…
ang hirap maging mommy kaya saludo ako sa inyo at nakakapag hain pa kayo ng masarap na hapunan 🙂
@Well para mauna sa pilahan, hehe. Oo mahal nga ang hipon ngayon pero madaling iluto, hehe
@Shie sis mahirap na masarap. rewarding din. kung di ako nakaabot sa hipon malaman de-lata ang ulam namin. 🙂
the best na sawsawan nito at maanghang na suka! mukhang mananaginip ako ng hipon.:P
kayang kaya ko kainin ang hipon, mula agahan hanggang hapunan. 🙂
Masarap na hapunan ito 🙂 Agree ako sa sawsawan na suggestion ni Luna 🙂
Guilty ako diyan minsan! Hahaha!
naku, paborito ko rin ang hipon!!!
Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/08/lp-hapunan-dinner.html
Magandang araw!
@Luna da best nga ang maanghang na suka para sawsawan ng hipon.
@Willa pwede rin kaso sabi nila kapag sobra nakaka-highblood.
@Julie kahit anong oras pwede itong hipon. pwede pa ngang meryenda kung isasangkap sa pansit. Tsalap!
@Maui nakaka-adik kasi papakin.
@J masarap kainin lalo yung malalaking klase.
uy ako din dapat ung hipon ang LP ko, kaso ung na lang.. hapunan naman un eh.. sold out nga lang.. hehe
ayun dun sa kinain namin hipon ang natira.. ang dami kase.. e pinabalot ko na nung kinuhanan ko ng pic ung pinagkainan namin LOL
Make or Break
you’re excused. hehehehe
itlog ung hinahanap ko dito. hahaha.di ako nakagetover sa binili mo na egg dito samin hahaha
@Pehpot okay pa rin ang binalot na hipon. da best pa rin yan with sinangang kinabukasan.
@Yeye, nilaga ko ‘yung apat na itlog kanina breakfast namin. hehe.
ayan kase, computer ng computer 🙂
pero at least may hapunan, at hipon pa! sarap!
@Dinah napapaghalata tuloy na babad sa harap ng computer. hehe
pinakamabilis na luto man yan ng hipon sigurado namang masarap! yan din ang luto ng nanay ko dyan parati…
@Iska lola at nanay ko rin halabos lang ang madalas gawin sa hipon lalo na ‘yung maliliit tapos pipisaan ng kalamansi. Nagkatalo na.
Paboritong-paborito ko ang hipon kahit na anong luto nito. Palibhasa, noong kabataan ko ay murang-mura ito at maraming-marami nito sa probinsya namin.
Ang ginagawa ko minsan sa hipon ay ibinababad ko sa Sprite sa magdamag. Tapos parang ipipirito ko sa kaunting butter. Hindi yata siya healthy ‘no? lol! At hindi rin yata pwede sa mga nagda-diet ang recipe na ito hehehe
kakagutom Mommy! Gus2ng gus2 naming mag asawa ang hipon eh hehehe..
2 years old na c Ska kaya mejo malaki na, hindi na sya tumaba mula nung nagkaron sya ng asthma, kse everytime na magkakasakit nawawalan ng ganang kumain.
Hindi ko pa naiisip kung anong gagawin ko sa onlinemommy.blogspot.com 🙂 pero baka isarado ko na lng 😉
@Nortehanon mukhang masarap ang ideya mo na ibabad sa sprite. gawin ko nga ‘yan pero di muna this week baka mahiblood naman kami hehe.
Naku kung maibabalik lang mas sariwa at mura talaga ang pagkaing dagat noon. Naalala ko ang lola ko nung nabubuhay pa hinihingi lang niya sa mangingisdang kapitbahay namin ang mga sobrang biya at talangka tsaka isasapaw sa bagong subong kanin. Sarap alalahanin.
@Onlinemommy you have so much memories sa onlinemommy ha. kasama sa pagbabago ‘yan.
Kapag na-outgrow ni Ska ang hika gaganda ang katawan niyan. Naku alam mo ba nung maliliit mga anak ko parati naming katabi ang nebulizer bale ba ang mahal ng gamot na pang-asthma. Sala sa init at sa lamig ‘yang hika.
Hipon! Marami-rami rin akong nadaanang LP na hipon ang bida. Mapapahipon ako nito sa weekend. Tama ka at madali lang ang halabos pero ang sarap.
wow sugpo?? ang sarap kahit halabos lang pero mas masarap pag may butter hehehe. kakagutom.
heto po ang aking lahok:
http://thisrandomness.blogspot.com/2009/08/hapunan-dinner.html
masayang hapunan po ka-LP
masrap nga yan
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂