Tamang-tama pala ang tema ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy – Lakad. Matagal ko ng pinaiisipan kung anong okasyon at pagkakataon ko maaaring gamitin ang mga litratong ito ng aking kabiyak. Ang yabang ano? Hindi halatang mahirap ano po? Naimbitahan lang siya ng mga kaibigan at dating kasamahan niya sa trabaho kaya siya nakapag-golf ng libre sa Puerto Azul Golf and Country Club matagal na panahon na rin ang nakalipas.
Pormang propesyunal ba? hehe. (Pasensya na po napaliit yata masyado ang resize ko sa mga larawan para hindi po matagal mag-load) Carry naman ng honey ko eh. Naglalaro kasi siya noon (libre pa rin LOL) sa may Intramuros.
Ano ang panama ni Tiger Woods sa palo mo? Ayan napalakas yata. ‘Di mo na makita ang bola ano?
Hala sige lakad at hanapin ang bola. May bayad ‘yon ‘pag ‘di mo nakita. hehe
Ang layo naman ng kuha ‘di ko tuloy maaninag ang kagwapuhan ng irog ko, hehe. Alam ko tinetreasure ng kabiyak ko ang outing na ito kasama ng mga kaibigan niya (isa po sa kanila ang nasa dalawang larawan dito.
Kung napangiti po kayo, mag-ienjoy ‘din kayo sa iba pang mga lahok dito.
nakakatuwa ka! mas marami naman talagang lakad dyan sa golf, di ba?
tamang-tama nga ang golf sa tema…lakad ng lakad.:P
Hi! yan din ang sport ng schatzi ko, dati sumasama ako pag naggogolf siya, ngayon hindi na, nakakapagod din kayang maglakad ng 10 kilometro
Naku! Nakakatuwa.. Alam ba ng kabiyak mo na ginawa mo syang kakatawanan? Hindi naman pangit na katatawanan, cute at nakakatuwa lang. tuloy binigyan mo ako ng idea na mag photo blog din tungkol sa asawa ko. Lalo na kapag galit ako…… para naman maibsan ang galit ko at matawa na lang. hahaha
naks naman.. susyal na susyal si Kuya ah.. hala ka ate yami.. may permiso ba ito LOL
kaya sa dec 25, ilibre mo na ang araw mo, obligado ka umattend haha
Make or Break
nakita ba iyong bola? hehehehe! walang panama nga si Tiger Woods! Buti nalang, hindi napupunta sa Pinas si Tiger, kundi talo sana siya ng irog mo. maligayang LP!
Perfect nga naman ang litrato mo sa tema ngayon. Ano nga naman ang panama ni Tiger Woods? LOL!
Magandang ehersisyo ang golf… nakakatuwa naman si hubs mo.
May bayad pala yun pag di nakita ang bola? Hay, naalala ko nanaman ang golf clubs ng asawa ko na matagal-tagal na ring nasa bodega. Sana’y magamit na uli.
Eto naman ang lakad namin nitong nakaraang long weekend: http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-lakad-walk.html
hirap po pala maglaro ng golf, ang layo ng nilalakad 🙂
heto naman po ang aking lahok:
http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/09/lp-73-lakad.html
featuring kuya neri. hehehe
eto naman po ung akin 😀
Lakad. Lakad 🙂
HAPPY HUWEBEST KA-LP 😀
Kaya ako naman hindi ko magustuhan ang golf, ang daming lakad. Mas maraming lakad kumpara sa paglaro. Game of physical and mental endurance daw iyan. 😀
dito po ako nagtatrabaho sa punta fuego..
salamat po sa pagbisita
🙂
oo nga. puro lakad ang sport na golf. ang layo pati kuminsan ng lalakarin mo!
mukhang enjoy na enjoy nga ang irog mo 🙂 bkit nga kaya nahihiligan ng mga lalaki yang sports na yan, puno ng lakad at nakakaitim … minsan gusto kong subukan para malaman 🙂
Tumpak ka mommy Yami, napangiti ako. Nakakaaliw ang iyong katha.
Hmm nakarating na ako sa Puerto Azul nung ako’y musmos pa. Ito ang unang lugar na napuntahan kong napahanga talaga ako.
Salamat sa dalaw 🙂
Ang asawa ko din gusto mag-golf kasi dad nya at kapatid napakahilig sa golf kaso ang mahirap ay wala na talaga minsan time para mapag-aralan ang sports na ito.