Litratong Pinoy: Lansangan

Lansangan ang tema ngayon sa Litratong Pinoy. May maikling kwento ang mga batang ito sa lansangan. Naaalala pa ba ninyo ang puno ng Indian Mango sa lahok kong Lahat ay Payak para sa LP noong buwan ng Mayo? Ito ang punong ‘yon. Nasa tabing lansangan kasi kaya hindi matiis ng mga batang nagdadaan ang kumuha ng walang paalam.

Eh sino naman ang itinuturo ng bata sa ibaba? Itinuturo niya ang mga batang patay-malisyang naglalakad palayo na siya daw nag-utos sa kanya na umakyat para kumuha ng mangga. Mukha siyang takot kasi biniro ng esposo ko na ipapabarangay siya (‘yung bata) kapag hindi siya bumaba.

May ilang panahon na naman at muling mamumulaklak at mamumunga ang aming puno sa tabing lansangan kaya ang mga ganitong tagpo ay magiging pangkaraniwang na lang. Nakuh mamamaos na naman ang lalamunan ko sa kakasaway sa mga mukukulit na bata kasama na ang mga nasa larawan.

At ito naman ang kaganapan sa labas ng Manila Cathedral kung saan namalagi ng ilang araw ang mga labi ng dating Presidente Cory Aquino. Kuha ito ng aking esposo bago siya tumuloy sa pinapasukang opisina.

Dito naman pumuwesto ang mga kababayan nating nagtinda ng mga Cory Aquino memorabilia. Medyo may kamahalan ang ilang paninda nila pero naging patok pa rin sa mga mamimili. Eto nga at may pasalubong pang Cory shirt ang irog ko para sa akin.

Tunghayan ang iba pang lahok ngayon sa Litratong Pinoy.

5 thoughts on “Litratong Pinoy: Lansangan

  1. onlinemommy

    Ang sweeet ng irog mo 😉 Layo ng biyahe ng asawa mo ha kung galing pa siya ng Fairview. Kung hindi ako nagkakamali ang Manila Cathedral ay nasa loob ng Intramuros. Grabeng biyahe hehehe..

    Reply
  2. Marites

    sino bang bata ang hindi nagdaan ng pangunguha ng bunga sa mga puno>?:) siguradong ninerbiyos ang bata pagkarinig na pupunta siya ng barangay pagkatapos mamitas. hehehe! maligayangLP!

    Reply
  3. Mahalia

    hahaha, may ganyan rin Indian Mango sa tapat ng bahay namin na katabi ng kalsada, kapag papara ang nanay ko ng traysikel at mag dedeliver ng bigas sa palengke, yung drayber naghihintay sa ilalim ng Indian Mango kumakain. Tuloy napapa-discount at natutuwa yung drayber na laging i serbis si Nanay.

    Kaya pala doon niya itinanim yon! Hahaha

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.