Litratong Pinoy: Nakakakilabot


ISANG exciting na Huwebes na naman ang dala ng Litratong Pinoy ngayong Linggo dahil ang tema ay nakakakilabot. Maraming bagay ang pwede nating isipin na nakakapaghatid ng kilabot sa atin maaaring isang pangyayari, lugar, gumagapang na insekto o iba pang bagay. Naisipan kong isali ang larawan ng bahay na ito na matatagpuan sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.


Ito ang 75-year-old na mansion na nagsisilbing Director’s Quaters. Mukha naman siyang payapa, hindi ba? Pero sa totoo may mga nilalang daw na gumagala at nagmumulto sa loob niyan ayon sa dalawa sa anim na inmate at caretakers na nakausap ko. Sina Felipe Bagon at Marlon Sibay na pawang na-interbyu ko noong September 2004 (nasa ibabang larawan) ang nagpatunay ng mga kwentong kakila-kilabot sa inyong lingkod.


Ang sabi nila kapag walang tao o solo lang sila sa loob ng bahay nararamdaman daw nila na parang may ibang nilalang silang kasama pero kapag maraming tao ay wala naman daw. Eto pa, minsan daw na nakaupo sa labas ng bahay si Mang Bagon nang tawagin daw siya ng isang lalaki sa utos ni Director (Macala pa noon) para magpahilot. Pagpunta niya sa bahay ay wala ni isang tao. Pati na si Director na akala niya ay nakabalik na galing Batangas ay wala doon. Nakakakilabot, ‘ di ba?

(Wala na ang orihinal na kopya ko sa larawang ito maliban sa clippings ng story na naitabi ko lamang. Lumabas ang buong storya nito noong Oct. 2, 2004 sa front page ng People’s Tonight.)

Bisitahin ninyo ang iba pang nakakakilabot na lahok dito.

9 thoughts on “Litratong Pinoy: Nakakakilabot

  1. Jes

    eeeee….katakot naman! ehehhehe =) kkakilabt nga ahaahhaah =) d n ko nakaksali sa LP….sayang tshirt ko ehhehe =) nweis salamat sa dalaw sa site ng ank ko..add mo sya s blogroll mo ha eheh thnks =0

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.