Medyo maulan at madilim na ang paligid kaya ganito ang resulta ng lahok ko ngayong Huwebes. Ito ang talipapa o maliit na bersyon ng palengke sa lugar namin. Kumpleto naman ang mga paninda dito kaya para ka na ring namalengke sa pamilihang bayan.
Dito ang hilera ng baboy, manok at isda
Sariwang gulay naman ang mabibili dito
Tindahan din ng gulay ang nakapwesto dito dangan nga lang at nakapagligpit na ang tindera dahil gabi na.
Silip tayo sa iba pang lahok ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy. Maligayang Huwebest!
Hi! ganyan din ang mga talipapa namin sa kanto ng bahay namin sa pinas, pag konti lang ang bibilhin don na lang kami namimili para tipid pamasahe, hapi LP
nakakamiss ang talipapa sa pinas! 🙂
sayang at maulan..pero, ganyan din ang talipapa sa amin. Mas doon na kami namimili ngayon kaysa sa palengke. maligayang LP!
parang painting ang effect ng una mong litrato. like it!
meron din sa makati pero hindi ako nakakabili dun kasi baka maloko ako kaya sa supermarket ako namamalengke 🙂
Happy LP
Ganoon din ang talipapa sa amin sa probinsiya. Nakaka miss na!
Happy LP.
Eto po ang aking lahok.
di ako magaling mamalengke sa wet market. ilang beses na ako naloko, at nakakantyawan sa bahay.:P tulad ni upto6only, sa supermarket din ako namamalengke…pwede isoli kung palpak.:P
sis kahit inaantok ako pinilit kong mag LP dahil 2 wks na ring wala akong lahok. basta mommy maasahan sa pamamalengke 😀
Uy talipapa, ang tagal ko ng hindi nakakatuntong sa Pinas-talipapa!
happy lp! 😉
ang talipapa sa amin lumalaki na 🙁 maski anti-hawkers walang magawa sa mga hawkers
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂