Kung meron akong pangarap na balikan. Ito ang Taoist Temple at Plantation Bay Resort, ilan sa magagandang pasyalan at bakasyunan sa Cebu. Dahil sa trabaho ang ipinunta namin sa mga nasabing lugar, hindi rin namin nagawang makapamasyal ng husto.
Ang Taoist Temple ay hindi lang isang lugar na masarap puntahan kung gusto mong magmuni-muni. Ipinagmamalaki rin ng lugar na ito ang magandang architectural design ng templo. Kita rin mula sa itaas nito ang kagandahan ng siyudad.
Isang ‘perfect place’ naman para sa mga honeymooners at sa buong pamilya rin ang Plantation Bay Resort para sa isang memorable na bakasyon. Kung sakali man na makabalik ako rito, siguradong kasama ko na ang asawa at mga anak ko.
Kayo, ano ang inyong pangarap na puntahan? Pasyalan ninyo ang Litratong Pinoy para sa ibang lahok ngayong Linggo.
isa sa mga lugar na pangarap kong marating eh ang Cebu!
LP:Pangarap
maganda nga ang lugar na yan, sana makabalik kami at mapuntahan naman ang ibang tourist attraction, nice photos, happy LP!!
MUkha ngang maganda sa lugar na ito…sana mabisita ko pagdating ng araw 🙂
happy lp!
maganda nga pasyalan ang Taoist Temple at Plantation Bay. pasyalan mo rin ang Mactan Shangrila, di ka magsisisi.:D
marami pang magagandang pasyalan sa Cebu. sana makakabalik ka don soon.
hehehehe I’ve been to the Taosit Tenmple…sa plnatation bay hindi pa…. 🙂
Eto ang Pangarap Ko
Magagandang mga lugar, aba, pagplanuhin na agad para makakuha ng discount sa early flight booking 🙂
hi sis …. mukhang may free time ka at naunahan mo akong mag LP 🙂 …
gusto ko din puntahan yang plantation bay sa cebu …. sa city lang kasi ako palagi!
pangarap ko rin puntahan ang Cebu. siguro ngayong taon baka matupad na.
I would love to go to Cebu. Medyo takot lang ako recently sumakay sa eroplano kaya hindi ko magawa…hehehe..
@Willa, An2nette, Thess, Zee, Julie, Mauie pwede pala tayo mag EB sa Cebu dahil gusto natin makarating o bumalik do’n. Dapat maka-avail nga tayo ng discount. 🙂
@Luna sige kung sakali makabalik ako sa Cebu, pasyalan ko din ang Mactan Shangrila.
@Shie, hinayang akong di sumali this week eh. kaya naghalungkat ako ng litrato sa baul ng kasaysayan, hehe
@Snow pareho tayong may kaba each time na sasakay ng eroplano. Ang ginagawa ko basta pagtake-off ng plane nagdadasal ako kay God to protect us from any harm. Effective naman. 🙂
ang tagal ko nang hindi napunta diyan at gusto ko rin silang balikan.
nakapunta na ako sa Taoist temple, ang ganda nga ng view mula sa itaas.
maraming salamat sa pagbisita. Sana nga matupad muli ang pangarap mong pasyalan ang mga ito.
Di pa ako nakapunta dyan.Idadagdag ko nga yan sa mga pangarap ko….
nakarating na ko cebu, pero di pa dyan sa taoist temple…
ay cebu! di ko pa nararating yan…hanggang cebu pacific lang ako na eroplano!
ang gaganda ng kuha….retrong-retro! 🙂
nakakatuwa nga ang cebu- kapareho ng pintig sa kamaynilaan nguni’t mayroong bahagyang kabagalan na hindi nakakapagod…
salamat sa pagbisita sa aking safarisogood.blogspot.com at pakikiisa sa aking mga pangarap =]
nawa’y matupad ang mga iyo =]
ako rin gusto kong mabalikan ang plantation bay!:) at pareho mo trabaho lang din ang dahilan kung bakit ako nakarating dito…sana sa susunod, bakasyon naman:)
@Marites, Peach, Peachkins, Ces, Lino, Fortuitous Faery, Lino at Ces sana ay makabalik tayo o mapuntahan natin ang ibang lugar sa Cebu bilang parte ng isang masayang bakasyon. Salamat sa pagdalaw niyo. 🙂
Isasama ko ito sa listahan na dapat kong mapuntahan kapag nagkaroon ako ng pagkakataon makarating sa Cebu.
Salamat sa pagbisita.