Hindi ko mahindian ang hiling ng mga anak ko na lutuin ang paborito nilang tempura. Madali lang naman lutuin ang tempura ilang minuto lang pwede ng ihain mas matagal pa nga ang preparasyon nito gaya ng paghahanda ng harina, binating itlog at breadcrumbs. Nang maluto parang medyo tuyo naman masyado ang pananghalian namin kaya inihabol ko ang pagluluto ng ginisang miswa na may patola. Ayos ba?
Marami pa kayong makikitang masarap na tanghalian dito.
Ang tanghalian mong iyan ang nagbigay ideya sa akin para sa hapunan mamayang gabi. Sakto yan at maulan. Yum!
Sana’y magustuhan mo rin ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian-lunch.html
masarap nga ang tempura lalo na pag malaki ang hipon.
Happy LP
Second entry na ito ng Misua na nakita ko today, pero hindi ako magsasawa, as in kahit araw araw misua.
Willa’s LP:Lunch
paborito ko ang hipon. kahit anong luto pa ito. Yummmm.
Minsan nagke-crave din ako ng miswa. Ang sarap n’ya lalo na’t madalas umulan ngayon. Gusto ko rin yung may patola at meatballs.
LYNN
bagay yan dahil maulan ngayon. ayos na ayos! maligayang LP!
peborit pala ni mumay at ni khalil ang tempura. punta na sa tokyo2. masarap dun hehehe
Hmmm… Sarap naman! Natatakam ako. hehehe. Patikim naman yami!
Z
sis alam mo bang sinubukan ko ring magluto ng tempura noong linggo, first time yun at hindi naman masama, medyo nasunog lang yung iba, hehe …
ito ang favorite ko, lalo na pag sariwa ung patola na medyo sweet, hay sarap.