Magandang Araw sa lahat. Pangalawang Huwebes ko na ito ngayon sa Litratong Pinoy.
Ang lahok ko ay tungkol sa pagtatagpo ng tatlong bata at ng kanilang ama matapos ang ilang taon nilang pangungulila sa isa’t-isa. Ang tatlong batang ito ay nakadaupang-palad ko ilang araw bago mag-Pasko noong 2006 sa bakuran ng Reception and Study Center for Children (RSCC) sa Bago Bantay, Quezon City, kung saan sila ay nanatili sa loob ng apat na taon hanggang sa matagpuan silang muli ng kanilang ama.
Ang mga bata ay inabandona ng kanilang ina na parang tambak na labada. Sumunod na umalis ang kanilang ama upang maghanap daw ng trabaho. Pero hindi na ito bumalik.
Nagkita ang mag-aama noong Disyembre 28, 2006. Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ng mga bata sa buong buhay nila.
Makikita sa kanilang mga mukha ang hindi maipaliwanag na saya habang kinukunan ang kanilang larawan.
Ang buong storya nito ay inilabas ng People’s Tonight noong January 3, 2007.
English trans:
Good Day everyone. This is my second Thursday here at Litratong Pinoy.
My entry is about the reunion of three children with their father after several years of being separated with him. I met these kids a few days before Christmas in 2006 at the Reception and
The children were abandoned by their mother like a pile laundry. Their father followed on the pretext that he would be looking for a job. He never returned.
The siblings reunite with their father on Dec. 28, 2006. It was the best, if not the very first, Christmas gift the three children ever received.
Happiness was etched on their young faces while they were being photographed.
The whole story was published by People’s Tonight on Jan. 3, 2007.
Hi Miriam,
Nakakaantig naman ng puso ang story ng mga batang ito! Paano nakayanan ng ina na iwan sila? Ang ama mapapatawad (ko) pa eh. Sana naman ay sama-sama pa rin sila ngayon at malulusog at masaya ang mag bata.
Happy LP at salamat sa pagbisita ha! 🙂
Ang huling balita ko ay kasama na nila ng kanilang tatay kapisan ang ikalawa nilang ina. Nakaka-awa ang mga batang ito kung muli pa silang makakatikim ng kalupitan mula sa mga tao sa paligid nila.
Sa observation ko noon, makulit o unruly ‘yung maliit na batang lalaki. Sana mabago pa ‘yon.
bilang isang ina, hindi ko maiwasan ang mahabag sa kanila habang tinatanong ko sila ng kanilang nararamdaman nang iwan sila ng kanilang ina.
nmakabagbag damdamin ang iyong lahok..masaya rin at maganda ang kinalabasan ng istorya:)
napakatragic at heartwarming naman ng istoryang ito.
Buti naman at naisipan uling balikan ng ama ang kanyang mga anak kung kaya may happy ending naman ang kanilang istorya… 🙂
grabe nmn…ang saklap nmn ng nangyare pero mabut at nagkita kita n sila =) salamat sa dalaw
Great story.
Salamat doon sa pagcomment sa aking ilio.ph blog.
grabe! sila yung battered kids? buti naman at natapos na ang paghihirap nila! kawawa naman. npakagandang istorya…
Salamat naman at matiwasay na ang bhay nila.
Thanks for sharing this…
Heto naman ang aking lahok.
grabeh! nakaka touch naman ang iyong entry, bilang isang ina, hindi ko maintindihan ang ibang magulang na kayang iwan na lang ng ganon ganon ang anak nila, lalo na at sa mga napakabatang edad pa.Hindi ko lubos maisip ang apat na taon na mawala sa anak ko, baka 4 na oras pa lang eh mamamatay na ako. 🙁
Sana naman ay talagang maligaya na nga ang mga batang ito sa bago nilang pamilya.
Buti naman at nahanap ang tatay….di bale na yung ina naku…agree ako kay Willa, ung mawalay sa anak mahirap sha naman iniwan pa…
Natapos ang pangamba ng mga bata…Salamat sa mga tumumlong sa kanila…
Sana nga mga kapatid nasa magandang sitwasyon na sila ngayon.
Kung talaga hindi na kaya ang palakihin sila pwede naman silang iwan sa isang institusyon at hindi lang basta iiwan na parang kuting sa loob ng kanilang bahay.
Salamat sa mga govt institution gaya ng RSCC. Sana marami pa ang mga batang bibigyan nila ng masisilungan.
Marami pa ang ganiton klase ng kwento sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
Maswerte ang ating mga anak dahil kahit kailan hindi nila mararanasan ang ganitong sitwasyon.
Awww, nakakaiyak naman ito, malungkot pero happy ending.
Hay, sana masaya sila kung saan man sila naroroon ngayon 🙂
grabeng nanay naman ng mga batang yan, hindi man lang nakunsensiya. Sana naman, mapabuti na ang buhay ng mga bata ngayon. maligayang LP sa iyo.
salamat sa pagdalaw sa akin Miriam! nakakalungkot at nakakatuwa ang kwentong ito….nakakatuwa na nagsama uli sila pero nakakalungkot parin isipin ang pinagdaanan ng mga batang ito…
btw, diyan ako nag practicum sa RSCC sa QC nung studyante pa ako. ito yung nasa likond ng sm north diba?!? kita kits uli!
Salamat din Ria. Oo sa likod nga ng SM North matatagpuan ang RSCC.
Hi! Happy LP, nakakalungkot naman ang nangyari sa mga bata, nawa’y matagpuan nila ang kaligayahan at kapayapaan sa kanilang panibagong buhay
Salamat naman at binalikan sila ng kanilang Ama.
i can’t help but feel bad towards the dad dahil iniwan niya sila. oh well, tapos na naman yun at mahalaga ay magkakasama na sila ulit.
mabuti naman at binalikan sila ng kanilang ama. hindi ko lubos maisip kung bakit nakakayanang iwanan ng mga magulang ang kanilang mga magulang ng ganun ganun na lang.
anyway, sana’y maging katulad nito na happy ending ang maging experience ng iba pang bata na nawalay sa kanilang mga magulang.
Sana nga happy ending na ang kinasapitan ng magkakapatid na ito.
nakakaawa naman ang sinapit ng mga batang ito. Nawa ay maging maayos na ang kanilang kalagayan. Mabuti na lang at may mga social agencies tayo sa Pilipinas na tutulong sa mga ganitong sitwasyon. Bakit naman kaya di tumulong o humingi ng tulong ang tatay nila sa mga kamag-anak. Sigurado naman sigurong may tutulong kahit na kaunti. Dahil innate (pasensya na di ko matandaan ang tagalog nito) na maka-pamilya ang ating kultura.
sana naman ay happy ending nga. nakita nila ang ama, pababayaan pa kaya nya ang mga ito? gusto ko lang malaman bakit nya sila iniwan at may pamilya na din pala sya. mukhang wala na din syang balak talaga balikan ang mga bata…
katuwa ang piktyur ni junior 🙂
sa wakas at binalikan din sila ng tatay nila..mabuti naman at naway maging masaya na sila ng tuluyan na magkakasama!
salamat pala sa pagbisita!
Masaya at binalikan sila ng ama nila. Sana maging masaya at masagana ang kanilang pamumuhay.
Pingback: Be a foster parent this Christmas | Yam's Files