Tag Archives: litratong pinoy

Litratong Pinoy: Pagmamahal (love)

Sa unang tingin mukhang kamay ng isang santo ang hawak hawak ng babae sa larawan, subalit ito ay labi (remains) ng isang lalaking kaanak niya na pinaniniwalaang “nagmimilagro”. Nanatiling buo ang katawan nito sa kabila ng mahigit sa 30 taon na pagkakahimlay nito. Sobra ang pagmahal nila sa namayapa kaya hindi rin nila maipalibing.

Tanda nga ba ito ng pagmamahal? Ano sa palagay mo?

Litratong Pinoy: Tapos (end)

Sa pagtatapos ng taon, kagaya ka rin ba ng karamihan na gumagawa ng New Year’s Resolution o tseklist ng mga pangako o plano mong gagawin o gustong mong baguhin sa takbo ng iyong pamumuhay sa bagong taon?

May mga ilang resolution ako noong isang taon ang natupad pero ang karamihan ay nanatiling plano pa rin.

Madalas na ipagawa sa mga mag-aaral ang New Year’s Resolution. Isa ito sa una nilang asignatura pagbalik nila sa paaralan pagkatapos ng Christmas vacation.

Natutuwa naman ako dahil natupad ng aking anak ang mga isinulat niya noong nakarang taon. Nagsikap siya sa pag-aaral at pagkatapos ng taon (school year) mataas ang nakuha niyang grado.