Itinatampok sa Linggong ito ng Litratong Pinoy ang temang `Lahat ay Payak’ kaya naman naisipan kong ilahok ang larawan ng puno ng Indian Mango. Ilang buwan pa lang ang edad ng mangga sa unang larawan. Matatagpuan ito sa tarangkahan ng aming bahay. Ang ikalawa naman ay namumunga na. Matatagpuan ang katawan ng matayog na puno sa loob ng aming kusina. Naitanim ito bago pa itayo ang aming bahay.
Nagsimula sa isang payak na halaman, ang puno ng mangga ay lumaki at nagdulot ng pakinabang sa amin. Bukod sa prutas nagbibigay din ang punong ito ng lilim sa katanghaliang tapat.
Maraming pang kalahok ang matatagpuan dito.
English Translation:
This week, Litratong Pinoy highlights the theme All Are Simple this is why I’m posting the pictures of Indian Mango tree. The small Indian Mango plant in the first photo is barely a few months old. It is found at our gate. The second tree is already bearing fruits. The trunk of the tall tree is located inside our kitchen. It was planted long before our house was built.
It started in a simple (or young) plant, the mango tree matures and becomes useful to us. It provides not only green mangoes but shades at high noon.
Other entries are found here.