One of the last travels I had (with friends) before I say goodbye to my old job. Some of those in the pix are working or used to work for Pfzer, the rest (except me) are still connected with different newspapers.

Alam mo ba na bukod sa pagiging makasaysayan ng Corregidor Island sa Bataan, nababalot din ng hiwaga ang ilang bahagi ng pulong ito partikular na ang Malinta Tunnel. Marami ang nagsasabi na may mga kaluluwang patuloy na nanahan sa loob nito.
Kuha ang mga larawang ito sa nang kami ay maimbitahang mamasyal sa Corregidor noong May 2006.
Ang tunnel na ito ay hinukay upang maging proteksyon mula sa pag-atake ng mga sundalong Hapon. Ang Command communications at medical units ng mga Filipino at Amerikanong sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay matatagpuan din dito.
Pero ang orihinal na disenyo nito ay ginawa upang maging tahanan ng malaking bilang ng ammunition, pagkain at iba pang supplies. Nagsilbing ospital din ito na may 1,000 bed capacity.
Sa unang larawan, pansinin ang mga tila puting bilog sa may kisame ng tunnel. Orbs daw ang tawag sa mga ito na pinaniniwalaang kaluluwa ng mga tao na namayapa na at patuloy na naglalakbay.
Ang ikalawang larawan naman ay ang diorama ng mga pigura na singlaki ng tao. Binilugan ito ni Stargazer, isang psychic medium, nang isangguni ko sa kanya ang mga larawan.
Mga pigura daw ito ng dalawang lalaki. Ang isa ay parang sundalo na naka uniporme at naka-luhod patalikod sa camera. Ang isang pigura naman daw ay mukhang pasyente na nakaupo sa ibabang bahagi ng doubledeck. Natakot ba kayo?
Alam mo ba na maraming lahok ngayon sa Litratong Pinoy?